Tatalakayin at susuriin sa kursong ito ang wika at makabagong mga salita na umusbong at pumatok sa sosyal midya. Aalamin kung paano nakatutulong ang iba’t ibang midya sa pagpapayaman ng bokabularyo ng wikang Filipino. Pag-aaralan din ang malaking papel na ginagampanan ng midya sa pang-araw-araw na buhay ng tao. gayundin ang gamit ng mga umusbong na makabagong salita para sa higit na pagkakaunawaan ng mga tao sa lipunan at kung paano naging daan ang virtuwal na mundo sa pagpapahayag ng tao ng kanyang mga naranasan, naiisip at nadarama.