Sumasaklaw ang kurso sa mga prinsipyo at konsepto ng pamahayagang pangkampus na nakaangkla sa katangian nito bilang serbisyo-publiko at negosyo. Pinag-aaralan din ang katangian ng multi-media at kung paanong ang content ng impormasyon ay nagbabago-bago sa anyo ng midyum. Lilinang ang kursong ito sa kasanayan ng masining na pangangalap, pagsusulat at paghahatid ng impormasyon at balita na siyang magiging daan sa pagkakaroon ng kritikal na kaisipan ng estudyante na maghahatid sa kanya sa pag-unawa sa kanyang kapaligiran at mga relasyong panlipunan. Mahasa at mapaunlad ang kasanayan sa pagsulat ng mga akdang teknikal; korespondensya opisyal at mga peryodikong pangkampus.