Saklaw ng kurso ang pagtalakay sa Filipino nilang wikang pambansa alinsunod sa daloy ng kasaysayan, at ang kritikal na pagsusuri sa ebolusyon nito sa kasalukuyang panahon. Magiging sanggunian ang mga pambansa at panlokal na patakarang pangwika na lumitaw sa bawat administrasyon, bukod sa mga batas, regulasyon at iba pang kaugnay na bagay na humuhubog sa sistema ng edukasyon at siyang nakaaapekto sa Filipino bilang isa sa mga opisyal na wika ng gobyerno.