Sa kursong ito, inihahantad sa iba’t ibang simulain, prinsipyo at mga teyorya ng wika ang mga mag-aaral bilang paghahanda sa pagiging guro ng wika. Binibigyang diin ang pagpapalawak ng kaalaman sa wika, kultura, linggwistika at ang kaugnayan ng bawat isa.