Ang kursong ito ay sumusuri sa mga piling diskursong pangwika at pampanitikan sa konteksto ng lipunang Pilipino upang maipakita ang paggamit ng batayang kaalaman at aplikasyon sa pagtuturo ng wika. Kabilang dito ang pagtukoy sa mga konsepto at isyung pangwika at pampanitikan at kahalagahan at kaugnayan ng mga ito sa akademiko at di - akademiko na magpapakita sa pagpili at pag-unlad ng kaalaman sa pagtuturo at pag-aaral ng wikang Filipino na mag-uudyok sa sariling pagkatuto sa gawain at karanasan ng mga mag-aaral.