Inaasahang Bunga ng Pagkatuto ng Kurso:

*Nailalahad ang pag-unlad ng larangang pandalubhasaan;

*Mabisang nakikipagtalastasan sa paraang pasalita at pasulat gamit ang wikang
Ingles at Filipino;

*Malaya at mahusay na nakagagawa sa iba-ibang larangan at/o bilang bahagi ng
iba-ibang pangkat kultural;

*Naipapakita ang pagiging responsableng propesyunal sa pamamagitan ng
mabuting asal at kaanib ng lipunan lalo na sa aspekto ng karapatang intelektwal at
tuluyang pag-unlad;

*Napapanatili at naisusulong ang yamang kultural at historical ng Pilipino at
naipatalastas ang adbokasyon ng kapayapaan sa bawat pangkat kultural.

*Nauunawaan at nailalapat ang mga konsepto at teorya ng agham panlipunan sa
pagsusuri ng mga napapanahong isyung panlipunan;

*Nakadidisenyo at nakabubuo ng pananaliksik sa panlipunan gamit ang mga angkop
na lapit at mga pamamaraan dito;

*Naisasabuhay ang mga pamantayan at etika ng pagiging propesyunal sa larangan
ng agham panlipunan at sining; at

*Nakikitaan ng mga valyu ng MSU-GSC gaya ng komitment, kahusayan, pakikiisa sa
pangkat, integridad at akawntabiliti.

*Naipapaliwanag ang kasalukuyang mga kalakaran at isyung pangwika at
panliteratura;

*Nakabubuo ng mga konsepto at prosesong nauugnay sa iba’t ibang aspekto ng
gamit ng wikang Filipino’

*Nakapagsasagawa ng mga pananaliksik sa mga wika at kulturang indehinus.