Deskriptibong pag-aaral at pagsusuri sa kayarian ng wikang Filipino sa antas ng ponolohiya,morpolohiya,sintaks at semantika. Bibigyang-diin ang pagsusuri sa ginagamit na aklat pampalarila batay sa natutuhang makabago at pinalalawak na kayarian ng wika. Pangkalahatang layunin ng kurso na mabigyan ng sapat na kaalamang pangkayarian ng Filipino ang mga mag-aaral upang mapahusay ang kaalaman sa pamamahayag sa Filipino at kaalamang lingguwistika ng mga mag-aaral.